a peek at my life's slapstick drama...my thoughts and emotions (forbidden, withheld, sensitive, censored, or otherwise)

Home » Post Item » mga obserbasyon ko sa amerika, amerikano at amerikana

mga obserbasyon ko sa amerika, amerikano at amerikana

August 26, 2007
  1. andameng lahi dito. me puti, itim, pinoy, intsik, bombay, german, ewan ko kung ano pa un iba. dito pa lang sa opisina napapaligiran ako ng iba't ibang lahi. un nasa likod parang me lahing bombay pero halo na hindi ko mapagtanto kung ano. un nasa kanan ko german ata kse un pananalita nya ay parang puntong german. kakaiba ang kulay ng buhok nya pati ng mga kaibigan nya na pumupunta lagi sa kanya at nakikipag-usap ng german. blue din ang mata nya. un isa naman sa harap ko, puti. ganon lang kasimple. un nagtuturo sa kin, itim naman. talagang maitim. tinitingnan ko un kamay nya at parang mahahalintulad mo sa uling ang kulay. un boss naman nila ay galing egypt. kung hindi ako nagkakamali, nasa lahi din un ng mga arabo. mabait sya at gustung gusto nya ang pilipinas. pilipina ang asawa nya. ano kaya hitsura ng mga anak nila? di natin alam…
  2. hindi sila kasing sigla ng mga pilipino kung magtrabaho. sa kabila ng kalakihan ng sweldo nila (di ko nakita pero inaassume ko lang), e parang lagi silang tatamad tamad. ang aga pa nila umuwi. inoobserbahan ko sila habang nagtatrabaho para bang napakadali ng ginagawa nila. nagdadaldalan din sila tulad natin pero laging tungkol lang sa panahon o sa lotto ang usapan. bukod pa dun, mabagal sila magtrabaho. hindi sa nagmamayabang ako, pero mas magagaling tayong pinoy sa kanila lalo na sa computer. naturingan sa kanila galing ang advanced na teknolohiya, sila un hindi marunong gumamit nito.
  3. mareklamo din sila tulad natin. ang kaibahan lang, sila lunes pa lang at kakatapos ng lunch break e nagrereklamo na na pagod na daw sila. konting dagdag lang sa gagawin nila, panay na reklamo ang maririnig mo. samantalang sa tin, un ginagawa ng isang tao na trabaho e katumbas na ng trabaho na ginagawa ng 4 na tao sa kanila. sino ang may karapatang magreklamo?
  4. mahilig silang bumati ng "good morning", "how you doin?", at kung anoano pa na with feelings talaga. pag bumati ka sa kanila ng ganyan, sasagutin ka din nila ng punungpuno ng emosyon.
  5. mahilig din sila magpasalamat. at pag nagpasalamat ka sa kanila, panigurado sasabihan ka nila ng "you're welcome" na damang dama.
  6. takot sila sa sakit. un nagtuturo sa kin, gusto nya sa kabilang direksyon ako huminga kse daw kakagaling nya sa sakit at baka mahawa ko sya. hehehe! wala ko pakelam. kahit malayo ako sa kanila, kakalat ang virus ko na galing pinas!
  7. tahimik sila sa opisina hindi katulad natin na maiingay at tawa ng tawa. kung iisipin ko nga, wala pa ko narinig dito na tawa na tulad ng tawanan sa pilipinas.
  8. nakayuko sila maglakad sa kalye. akala ko dati nun napapanood ko un sa tv e nalulungkot o nahihiya lang sila kaya sila nakayuko. yon pala kya sila nakayuko dahil ubod ng lamig. iniiwasan lang nila na pumasok sa mga mata nila at sa ibang parte pa ng mukha nila ang lamig. ganon na din ako maglakad dito ngayon. pero kung minsan di ko talga matiis. tumitingala ako at tinititingnan ko mga mukha nila. kakasawa din tumingin sa sapatos at sa kalye.
  9. hindi ko alam kung bakit pero nakukuryente ako sa mga bagay dito. di kya crush ako ng lahat?! asa pa ko.
  10. nagugulat sila pag sinasabi ko na may mga katulong kme sa bahay. at lalo sila nagfreak out pag sinabi ko na ung katulong ay nakatira sa bahay namin.
  11. malalaki ang mga kalye dito. parang lahat expressway. pwera sa new york
  12. walang masyadong tao na naglalakad sa kalye pwera na lang sa mga siyudad. lahat sila nakakotse.
  13. ang snow pala ay parang yelo sa halohalo. pinapino lang.
  14. gusto din nila manalo ng jackpot sa lotto.
  15. pinapanood ng mga magulang ang aktibidades ng mga anak nila dito. nagiging "family affair" sa kanila. nakakatuwa. akala ko kse dati dahil sa sobra nilang busy wala na silang panahon para sa pamilya nila. nagkamali ako. nagtaka tuloy ako kung bakit me mga napapariwara pa rin at me mga nagdidivorce na mga mag-asawa.
  16. hindi talaga sila kasing hospitable ng mga pinoy.
  17. mukha silang matatanda. ung mga batang nasa high school pa lang ay parang bente anyos na kung manamit. lagi akong napapagkamalang kakatapos lang ng kolehiyo.
  18. lumalapit talga ang babae sa lalake at nagbibigay ng numero nila. akala ko sa pelikula lang yun. ngyayari pala talaga.
  19. hindi sila sanay makakita ng kulot na tulad ko. ilang babae na ang pumansin ng buhok ko at nagtanong kung natural ba ito o pinagawa ko o sinet ko. sabi ko sa kanila pumunta sila ng pilipinas at dun magpakulot. ang usong buhok dito e gusot gusot.
  20. mabenta talga ko dito. ehem ehem!

ilang araw pa lang ako dito. madame pa ko hindi nakikita at naoobserbahan. marami pa kong makikita. maaring mali un mga nakita ko na pero kahit ano pa, natuwa ako na pinoy ako. mas masaya talga ang lahi natin. pero masaya din malaman ang kultura nila kya dadalasan ko pa ang interaksyon sa kanila.

Posted by xxxcapades at 3:22 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment